REGISTER
LOG IN
Web
Site
Search
Home
Forum
Photo Gallery
Blogs
My Account
Wednesday, January 07, 2009
View All Recent Entries
Simply Blogging
From Old Server
RANDOM THOUGHTS
Should be Thinker
coping with batac's cityhood...
You must be logged in and have permission to create or edit a blog.
All Blogs
Simply Blogging
From Old Server
RANDOM THOUGHTS
Should be Thinker
coping with batac's cityhood...
Keywords
Phrase
Archive
<
January 2009
>
Sun
Mon
Tue
Wed
Thu
Fri
Sat
28
29
30
31
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
1
2
3
4
5
6
7
Monthly
July, 2007
June, 2007
February, 2007
November, 2006
Create your blog by creating your Blog Title First. You have to supply your description and other requirements. After you successfully created your blog, you will see a new link that says "add blog entry", this will create new entries in your blog. Enjoy!
Location:
Blogs
From Old Server
Posted by:
host
2/21/2007 7:04 AM
Kung Pinoy si Noah....
Ganito ang mangyayari sa barko.
Taong 2007 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah.
Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing "Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't ibang
kapuluan."
Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.
Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah.
Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos:
"Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?"
Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo."
At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko:
Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin.
Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission.
Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.
Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko
(mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay).
Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.
Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga
gambling lords at katas ng hweteng.
Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero
dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.
Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong
unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state .
Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas.
Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo.
Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan
"Towards a Strong Republic".
"Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko. Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto." Ang huling wika ni Noah.
Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito.
Hayaan ko na lang kayong sumira nito."
Permalink
|
Trackback
Comments (1)
Add Comment
Re: This Election Vote for Noah
By erwinesquivel on
6/8/2007 11:20 AM
I agree wid u...Kawawaweee na talaga tayo...super to the max na ang red tape at corruption sa atin...mga kababayan ko gumising na tayooooo!!!!!
Your name:
Title:
Comment:
Add Comment
Cancel
mmsubatachigh87.com copyright 2006
Terms Of Use
Privacy Statement